PANGUNGUNAHAN nina Barangay Kagawad Alvin Abril at Tournament Director Alfred Miranda ang pagsasagawa ng traditional ceremonial moves sa pagsambulat ng First AB Montessori 2050 and below Non Master and Kiddies Chess Tournament sa Hulyo 22 sa St. Bernard Subdivision, Barangay Abogado, Paniqui, Tarlac.
Kabilang sa mga nauna ng nagpatala para sa Open 2050 and below Non-Master category ay sina Edwin Cortez, Joey Laporga, Lowell Palarca, Jeffrey Pascual, Patcheco Yngayo Jr., Benny Palarca at Alex Guttierez.
Tampok naman sa Kiddies Chess Tournament sina Alfred Miranda Jr., Alanice Miranda, Maricar Sabado, Angel Pereras, Cristian Costuna, Erich Ross Micua at River Quinto.
Ang magkakampeon sa Non Master 2050 and below category ay tatanggap ng P4,000 habang maibubulsa naman ng Kiddies under 12 winner ang P2,000 sa event na inorganisa ni Tournament Director Alfred Miranda na sinuportahan ni Barangay Kagawad Alvin Abril kung saan magsisilbing punong abala ang AB Montessori School For Excellence.