GERONA, Tarlac - Makalipas ang ilang araw na pagmamanman ng awtoridad sa “Stone Throwers” gang, nalambat ang isang miyembro nito makaraang pagbabatuhin ang tatlong behikulo sa Manila North Road, Barangay Poiblacion 1, Gerona, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay PO1 Dick Daileg, imbestigador, ang naaresto ay si Juan Cruz, Jr., 36, ng nasabing barangay.

Unang binato ng suspek ang Isuzu Rebuilt Truck Aluminum Van ni Johnny Francisco Penuliar, 53, dakong 10:15 ng gabi.

Sunod na binato ni Cruz ay ang Victory Passenger Bus (CXU- 344), na minamaneho ni Oscar Cabanes, 34; at isa pang Victory Passenger Bus (CXT- 423), na minamaneho naman ni Alexander, 37.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

-Leandro Alborote