Sa harap ng sunud-sunod na insidente ng pagpatay sa mga pari sa nakalipas na anim na buwan, tutol pa rin ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa ideya na armasan ang mga pari bilang solusyon sa problema.

“Arming priests is not the solution for crimes against them,” pahayag ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Public Affairs Committee.

Aniya, hindi kailangan ng pari na armasan ang kanilang sarili dahil tulad ng ordinaryong mamamayan, may karapatan din silang proteksiyunan ng estado.

“If they may have antagonized other people, killing them is unnecessarily excessive and brutal,” ani Secillano.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa nakalipas, tinanggihan din ng mga opisyal ng Simbahang Katoliko ang ideya ng pagmamay-ari ng baril ng mga pari.

“We get our protection of the Holy Angels—not weapons!” diin ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes.

Tutol din dito si Lipa Archbishop Ramon Arguelles, sinabing, “I am for gunless society. We priests are not afraid of dangers. If the general public, especially the poor, are exposed to dangers, we cannot be less.”

Nito lamang Hunyo 6, nasugatan si Father Rey Urmeneta, ng San Pablo City, Laguna, matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagmimisa sa Calamba.

-Leslie Ann G. Aquino