PARIS (AP) — Sa isa pang pagkakataon ay sasabak sa finals ng French Open si Spanish tennis star Rafael Nadal.
Umusad sa ika-11 championship match sa Roland Garros si Nadal matapos gapiin ang hard-hitting na si Juan Martin del Potro sa semifinals, 6-4, 6-1, 6-2, nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Court Philippe Chatrier.
Makakaharap niya sa finals sa Sabado (Linggo sa Manila) si No. 7 Dominic Thiem, ang 24-anyos na Austrian at tanging player na nagwagi kay Nadal sa red clay sa nakalipas na dalawang taon.
“He’s a big favorite against everybody,” sambit ni Thiem, umusad sa kauna-unahang Grand Slam final nang patiklupin si 72nd-ranked Marco Cecchinato ng Italy, 7-5, 7-6 (10), 6-1.
“Still, I know how to play against him. I have a plan,” aniya.
Tunay na may tsansa si Thiem kung pagbabasehan ang kaganapan sa laban ni Nadal kay del Potro.
Hawak ni Nadal ang career 110-2 sa best-of-five-set matches sa red clay surface, tampok ang 85-2 sa Paris. Tangan niya ang 49-2 sa clay tournament.
Sa dalawang kabiguan ni Nadal, si Thiem ang salarin. Tinalo niya si Nadal sa Rome noong May 2017, at sa Madrid sa nakalipas na buwan.
“If I want to beat him,” sambit ni Thiem. “I have to play that way.”
Sa women’s women’s final, magtututos sina No. 1 Simona Halep ng Romania at No. 10 Sloane Stephens ng United States. Nagwagi si Stephens sa nakalipas na U.S. Open; habang 0-3 si Halep sa major finals.