Umalma ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) laban sa inihaing quo warranto petition para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang diin ni Atty. Egon Cayosa, Executive Vice President ng IBP, na ang naturang hakbang ay resulta ng ilegal na pagsibak kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na idinaan din parehong petisyon.
Ipinaalala ng abogado na walang ibang paraan ng pagpapatalsik sa impeachable official gaya ng Pangulo, kundi impeachment proceeding lang.
Nitong Miyerkules, naghain si Atty. Elly Pamatog quo warranto petition sa Supreme Court dahil umano sa ilegal na paghahain ni Duterte ng kanyang certificate of candidacy noong 2015.
-Beth Camia