PARIS (AFP) – Inaprubahan ng French lawmakers nitong Miyerkules ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone sa mga pampublikong paaralan. Isa ito sa mga ipinangako ni President Emmanuel Macron noong kampanya ngunit ayon sa mga kritiko ay wala ring magagawa para mawakasan ang classroom disruptions o cyberbullying.

Isa ang France sa mga naunang bansa na nagpatupad ng total ban, sa primary at junior high schools.

‘’It’s a signal to French society of the stakes for our society,’’ sinabi ni Education Minister Jean-Michel sa parliament. ‘’Being open to technologies of the future doesn’t mean we have to accept all their uses.’’

Isinulong ang batas sa gitna ng pagkabahala ng maraming magulang na masyadong nakababad ang kanilang mga anak sa smartphone at pagtaas sa insidente ng online bullying.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'