Patay ang isang bilanggo habang sugatan ang isa pa nang madikit sa isang outlet at makuryente habang himbing sa loob ng Antipolo City lock-up jail sa Rizal kamakalawa.

Dead on arrival sa Regalado Hospital si Juanito Martinez, 34, ng Sitio Taghangin, Morong, Rizal habang patuloy na inoobserbahan si Regie Rubio, 22, ng Purok 2, Zone 8, Antipolo City.

Sa ulat ng Antipolo City Police, magkatabing natutulog ang mga biktima nang madikit sa outlet ng kuryente at nangisay ang mga ito, bandang 9:00 ng umaga.

Agad ipinaalam ng mga preso ang nangyari sa duty jailer at pinatay ang linya ng kuryente at kapwa isinugod sa ospital ang mga biktima.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

-Mary Ann Santiago