MARAMING ina ang naka-relate sa post ni Regine Vel asquez tungkol sa nararamdaman niya sa pagpasok ni Nate sa school. Grade One na ang anak nila ni Ogie Alcasid. May mga naiyak pa nga while reading her post, na may hashtag na #kwentongnanay.

Regine at Nate

“Tomorrow is his first day, grade 1!!! How time flies soo fast. I remember putting him in my lap when he was just a baby, ngayon sobrang big boy na. I’m excited for tomorrow but feeling a little sad coz he will be spending most of his time now in school. As a mom you can’t help but worry about them,” saad sa post ni Regine.

“Sana ok sya sana walang umaway sana kainin yung food nya sana wag magutom. Sana magkaroon ng friends yung mabait sana wag magkasakit. Sana sana sana. Daming sana, hindi ko na pinangarap na maging magaling sya sa school. I just want him to enjoy make friends a lot of friends. Enjoy learning if possible. Ganito pala pag Nanay, hindi na masyadong importante kung magaling sya sa school. I want for him to be happy, healthy and safe. But I can’t always be with him...so I pray: ‘The Lord bless you and keep you; the Lord make his face shine on you and be gracious to you; the Lord turn his face toward you and give you peace.”

Karina Bautista, PH navy reservist na

Mami-miss pa ni Regine si Nate, dahil paalis siya para mag-concert sa Dubai sa June 16. Billed 3 Stars 1 Heart Dubai ang concert na gaganapin sa Dubai World Trade Center. Kasama niya pa rin sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose.

Mami-miss din ni Regine ang mag-celebrate ng Father’s Day with Ogie sa June 17 dahil four days sila sa Dubai.

“Bilhan ko na lang siya ng gift...brief ang bibilhin ko para sa asawa ko,” pagbibiro ni Regine.

At para pala mas mag-enjoy ang mga Pinoy na manonood sa 3 Stars 1 Heart concert, iniba nang konti ang repertoire ng tatlo. Mas dinamihan ang OPM songs, dahil ang songs ng Filipino singers at songs na composed ng Filipino songwriters ang gustong marinig ng ating mga kababayan sa Dubai.

Added attraction sa concert ang gowns at suits created by three renowned Filipino designers based in Dubai: Furne One of Amato Couture, Ryan Pacioles of Atelier Zuhra, at Ezra Santos of Ezra Couture.

Ang 3 Stars 1 Heart ay produced ng GMA Pinoy TV kasama ang partner carrier na OSN.

-NITZ MIRALLES