NAGBUNGA ang mahabang panahon na paghahanda ng Philippine Lady Volcanoes nang pabagsakin ang India, 19-5, kahapon sa Division 1 ng Asia Rugby Women’s Championships sa Singapore.

NAGAWANG makaiskor ni Eloisa Jordan ng Cebu at miyembro ng Makati Chiefs para sandigan ang panalo ng Lady Volcanoes laban sa India. ASIA RUGBY Mayweather

NAGAWANG makaiskor ni Eloisa Jordan ng Cebu at miyembro ng Makati Chiefs para sandigan ang panalo ng Lady Volcanoes laban sa India. ASIA RUGBY
Mayweather

Sa kabila ng maputik na kondisyon, matikas na nakihamok ang Lady Volcanoes upang makasalba sa dikitang laban at masungkit ang krusyal na panalo sa torneo.

Nanguna si star center Sylvia Tudoc sa ratsada ng Pinay sa unang bahagi ng laro nang araruhin ang depensa ng karibal para sa unang puntos ng Team Philippines. Si Tudoc, nakatanggap ng Rugby scholarship sa Rugby training academy Inside Running sa New Zealand, ang nagpabuhay sa kampanya ng Lady Volcanoes. Sinundan ito nina Agot Danton ng Davao Durians.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Sa sumunod na 40 minuto, hindi kinakitaan ng panghihina ang Pinayna nagpatuloy sa kanilang matinding depensa at kalkuladong opensa sa pangungina nina Tanya Escala Bird at Dalton para mapalawig ang bentahe sa 14 puntos.

Bunsod ng panalo, nasiguro ng Lady Volcanoes ang slots para sa championship match kontra sa Singapore sa Biyernes

“I was happy with our performance yesterday, such a great feeling winning the first game of the team’s comeback after 6 years!” pahayag ni Aiumi Ono, team captain ng Makati Chiefs.

“It’s a great start to the tournament, credit to the players and coaching staff, they have worked hard for this victory. It’s not finished yet, Singapore will be another tightly contested match” pahayag ni Jake Letts of Philippine Rugby.

Nakatakda ang laban sa finals sa Queenstown Stadium ganap na 7:00 ng gabi.

Ang Lady Volcanoes ay binubuo nang pinakamahuhusay na homegrown players mula sa iba’t ibang local Rugby squad sa bansa.