HINANAP kina Drew Arellano at Iya Villania ang panganay nilang si Primo, sa presscon ng Season 4 ng kanilang cooking show, ang San Miguel Pure Foods’ Home Foodie.

Drew at Iya kasama sina chefs Llena, Martin at John

Sa nakaraang dalawang presscon ay kasama ng mag-asawa si Primo, na sikat na sikat sa social media.

Biro ni Iya, lunch time ni Primo at ayaw nilang istorbohin ang isa sa favorite na ginagawa ng kanilang anak kaya hindi na lang nila ito isinama. Na-disappoint tuloy ang press people, na kapag nakikita ang bagets ay gustong magpakuha ng litrato kasama ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa nasabing presscon ay ipinagmalaki ni Iya na marami na siyang alam lutuin sa Season 4 ng Home Foodie, na ise-serve niya kina Drew at Primo.

“Nakakatuwang mag-host ng cooking show; marami akong nadi-discover na dishes, at nadi-discover ko rin ang new products na puwedeng isama sa pagluluto. Na-discover ko rin ang proper way na paghiwa ng onions,” sabi ni Iya.

Sinabi naman ni Drew na na-minimize ang cooking time nila ni Iya sa bahay dahil kay Primo, dahil prioridad nilang ihanda ng asawa ang food ng kanilang anak.

“But because of Home Foodie, nakakapagluto pa rin kami together ni Iya. Nag-e-enjoy kami in preparing our food, kahit sandwich lang. Naging bonding namin ang pagluluto,” ani Drew.

Seven months pregnant si Iya, at sa August ang due date niya. Sa isang post niya sa Instagram (IG) ay nabanggit ng TV host na “Leon” ang napili nilang ipangalan sa second baby boy nila ni Drew.

Hanggang July lang ang airing ng Lip Sync Battle, kung saan host siya, kasama si Michael V. Walang problema sa schedule, dahil tapos na ang taping nila ni Michael V. for the whole season.

Anyway, simula sa June 11, bago ang Unang Hirit mapapanood ang Home Foodie, Monday to Friday. Para sa Season 4, makakasama nina Drew at Iya sa paghahanda ng Madalicious Meals sina Chefs Llena Tan-Arcenas, Martin Narisma at John Valley.

-Nitz Miralles