NAKUHA na rin nina Alma Moreno at Edgar Mortiz ang atensiyon ng netizens na sumusubaybay sa pang-umagang seryeng Sana Dalawa Ang Puso, dahil kinakikiligan na rin ang tambalan nila.

alma-copy-copy

Oo nga, hindi nagpapatalo sina Alma at Bobot (palayaw ni Edgar) sa love team nina Leo (Robin Padilla), Martin (Richard Yap), at Lisa/Mona (Jodi Sta. Maria).

Maganda ang relasyon nina Mangs (Alma) at Pangs (Bobot) bilang mag-asawa, na ang anak nila ay si Mona. Ayon sa dalaga, ideal para sa kanya ang mga magulang niya at gusto niyang kapag nagka-asawa siya kasing sweet sila ng mga magulang niya.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

Oo nga, dapat ding pamarisan ng mga manonood ang samahan nina Alma at Bobot bilang mag-asawa sa serye, na chill lang at laging good vibes sa mga kasama nila sa Tagpuan (rest house).

Anyway, halatang mahal pa rin ni Martin si Lisa, dahil nang malaman niyang si Leo ang kausap ni Mona, at sinabing bibilhan na niya ng singsing ay tinanong ang huli kung boyfriend ito ng ex-fiancée niya, sabay walk-out.

Ngayong sigurado na ni Martin na hindi na sila magkakabalikan ni Lisa, mababaling na kaya kay Mona ang pagtingin niya, dahil lagi silang magkasama at alam din niyang gusto siya ng dalaga?

Alamin sa Sana Dalawa Ang Puso bago mag-It’s Showtime.

-Reggee Bonoan