TINALO ni National Master Rolando Andador si National Master Nick Nisperos para manatili sa ituktok ng liderato matapos ang Round 3 ng 2018 National Open Chess Championships na pinamagatang Road To Batumi na ginanap sa Activity Hall, second floor Alphaland Ayala Place sa Malugay Street, Makati City.
Nakitaan ng husay si Talisay City native Andador para maitarak ang panalo kay Nisperos sa 26-player-field, 7-round tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines sa pangunguna nina NCFP chairman/president Prospero “Butch” Pichay Jr. at suportado ng Philippine Sports Commission at Alphaland Mall.
“I hope to do well in this event,” sabi ni Andador na una munang nanaig kontra kina International Master Jan Emmanuel Garcia sa first round at Fide Master Roel Abelgas sa second round.
Dahil sa tagumpay ni Andador, miyembro ng multi-titled Philippine National Police Chess Team, napataas niya ang kartada sa 3 puntos, kalahating puntos ang kanyang lamang kina Fide Master Mari Joseph logizesthai Turqueza at International Master Richilieu Salcedo III.
Si Andador na ipinagmamalaki din ng PNP Chess Club ay suportado ang kanyang kampanya ng PMA Class 92 sa pag renda nina PSSUPT Jonnel Estomo, PSSUPT Jose Meloncio Nartatez, PSUPT Peter Limbauan ng SSU HSS at PSUPT Jonas Escarcha.
Si Turqueza, mainstay ng star-studded San Beda University chess team ay nakaungos kay Filipino at United States Chess master Almario Marlon Bernardino Jr. kung saan ang huli ay suportado ang kampanya ni Mandaluyong City ABC president at Barangay Malamig chairman Marlon Manalo.
Panalo naman si Salcedo kay Dan Maersk Mangao.
Sa isang banda ay nauwi lamang sa tabla ang laban nina 13-time Philippine Open champion at second seed Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. (Elo 2452) at Singapore-based Fide Master Roberto Suelo Jr.
Sina Antonio at Suelo na nakapagtala ng 2 puntos tungo sa seven-way tie for 4th place kasama sina International Master Jan Emmanuel Garcia, Fide Master Roel Abelgas, Fide Master Adrian Ros Pacis, National Master John Merill Jacutina at Fide Master elect Daniel Quizon.
Sa distaff side ay nagpakitang gilas si Woman Fide Master Allaney Jia Doroy na sa taong ito ay Philippine Sportswriter Association (PSA) Milo Athlete of the Year awardee na nakipaghatian ng puntos kay Jerlyn Mae San Diego para kunin ang solong liderato na may 2.5 puntos sa tatlong