IBA’T ibang mukha nang tagumpay ang natyempuhan ni Manila Bulletin photo-journalist Rio DeLuvio, kabilang ang pagluhod para halikan bilang pasasalamat ang larawan ng Panginoong Jesus, sa maaksiyong pagtatapos ng 2018 Philippine Athletics Championship kahapon sa Ilagan City Sports Complex sa Isabela. (RIO DELUVIO)

IBA’T ibang mukha nang tagumpay ang natyempuhan ni Manila Bulletin photo-journalist Rio DeLuvio, kabilang ang pagluhod para halikan bilang pasasalamat ang larawan ng Panginoong Jesus, sa maaksiyong pagtatapos ng 2018 Philippine Athletics Championship kahapon sa Ilagan City Sports Complex sa Isabela. (RIO DELUVIO)

ILIGAN CITY – Nagtamo ng tig-apat na gintong medalya sina Veruel Verdadero at Eliza Cuyom ng Dasmariñas City Athletics Team sa boys’ and girls’ kategorya ng 2018 Ayala Philippine Athletics Championships sa City of Ilagan Sports Complex dito.

Pinangunahan ng 17-anyos na si Verdadero ang Cavite-based team kahapon sa 4x100 mixed relay para sa ikaapat na ginto sa tyempong 46.56 segundo. Kasama niya sa koponan sina Cuyom, Lord Angel Santos, at Jessel Lumapas sa athletics’ event na suportado ng Ayala Corp., Siyudad ng Ilagan, Milo, Philippine Sports Commission, Foton, Cocolife, Rebisco at F2 Logistics.

Nagwagi rin sa 100-meter dash sa oras na 11.16 segundo nitong Sabado si Verdadero, ang 16-year-old incoming EAC-Immaculate Concepcion Academy grade 11 para idagdag sa mga naunang panalo sa 200m (22.34) at sa ipinakikilalang event na 4x400 mixed relay (3:42.62).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Puwede pang maitaas sa lima hanggang anim na gold ang produksyon ng tinedyer na umaming mama’s boy at hyperactive nu’ng grade 5 sa pag-qualify sa finals ng DCAT sa boys 4x100 relay bago gumabi kahapon at sa boys’ 4x400 ngayon.

“Masaya po, pero medyo kulang pa,” sambit ni Verdadero.

Nagtagumpay naman ang National University grade 12 student at ulila na sa ama na Cuyom sa 100m sprint, 100 hurdles at 4x100 relay kasama sina Jessel Lumapas, Pamela Joy Jaime at Elvievane Gobotia.

Kaya namamayagpag ang Dasma sa medal tally na may general championships sa 10-5-1 gold silver-bronze medals, kasunod ang RR-UP Team na naka-9-14-9 at Phil. Team/City of Ilagan na may 8-2-1.

Samantala, nakabawi si PH team member Anfernee Lopeña nang magwagi sa men’s century dash. Ang pagkakamali ni Lopena ang naging dahilan sa diskwalipikasyon ng ng PH team sa 4x100m relay na binubuo nina

Eric Cray, Trenten Beram at Clinton Bautista.

Naisumite ni Lopena ang tyempong 10.91 segundo.

“This is redemption,” aniya, matapos gapiin sina Malaysian Muhammad Din Norbik (11.18s) at La Salle’s William Gacerlan (11.23s).