WASHINGTON (AFP) – Ipinahayag ng White House nitong Lunes na ang unang pagpupulong nina President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un ay magaganap 9:00 ng umaga sa Singapore sa Hunyo 12.

‘’We are actively preparing for the June 12th summit between the president and the North Korean leader,’’ sinabi ni spokeswoman Sarah Sanders.

Ayon kay Sanders, nasa Southeast Asian state na ang White House ‘’advance team’’ -- binubuo ng military, security, technical at medical staff -- para sa mga paghahanda sa pagpupulong.

Idinagdag niya na may daily briefings tungkol sa North Korea si Trump hanggang sa araw ng makasaysayang summit.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

‘’I can tell you the president has been receiving daily briefings on North Korea from his national security team,’’ ani Sanders.