PANSAMANTALA munang iniwan ni 1996 Philippine Junior champion National Master Roberto Suelo Jr. ang trabaho sa Singapore bilang chess teacher para makipagsapalaran sa bubuo ng team komposisyon sa nalalapit na 43rd Chess Olympiad sa Batumi, Georgia sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 6, 2018.

Kabilang si Suelo sa makikipagtagisan para sa naturang Olympic slots sa pagsulong ng 2018 National Open chess championship kahapon sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place sa Makati City.

Tampok sa taunang torneo ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang pinakamagagaling na chess master ng bansa sa ipapatupad na Swiss system competition.

Si NCFP executive director Red Dumuk at NCFP Treasurer Atty. Cliburn Anthony A. Orbe ang mangunguna sa pag-oorganisa ng nasabing selection tournament para sa pambansang koponan kung saan ay may nakaalan ding P100,000 total pot prize sa registration fee na P500.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang selection process ng mga chess players na kakatawan sa Team Philippines sa nalalapit na 43rd Chess Olympiad sa Batumi, Georgia sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 6, 2018.