Umapela kahapon sa publiko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), partikular sa mga motorista, na isumbong agad sa ahensiya ang mga kahina-hinalang traffic enforcer sa Metro Manila.

Ito ay matapos maaresto ng mga tauhan ng Pasay City police si Marlon Berame, 35, na magpanggap na traffic enforcer ng MMDA nitong Linggo.

Kasalukuyang nakakulong si Berame at nahaharap sa usurpation of authority nang maaktuhang kinokotongan ang isang motorista sa Adrews Ave., Pasay City na tiniketan nito sa paglabag umano sa batas-trapiko.

Bago ang pag-aresto, inakala ng tow truck operator na si Rafael Fortaleza na ipahahatak ni Berame ang nasita nitong van kaya kinausap ni Berame na nabigong magprisinta ng identification (ID) card at mission order.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Dahil dito, isinumbong nito si Berame sa mga lehitimong traffic enforcer malapit sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Nasamsam kay Berame ang dalang booklet, na inisyu ng pamahalaang lokal ng Maynila; ID na isa siyang Skyway Auxiliary member; ilang ID ng mga hinuling motorista; cash; at lumang vest ng Manila Traffic and Parking Bureau.

-Bella Gamotea