LUS pogi points kay Aiko Melendez ang ginawa ng boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun nang panoorin at i-cheer nito ang anak niyang si Andre Yllana sa car racing na sinalihan ng huli.

Andre at Mayor Jay

Nag-post si Aiko sa social media ng picture ng anak at ng boyfriend at may caption na: “Thank you baby @mayor_jaykhonghun for watching @andreyllanaa race! And for cheering for him... Kahit pagod na you were there rooting for him:) Plus 20 pogi points ka dyan. More importantly that he can count on you any day, anytime:)”

Positive ang comments na nabasa namin, at lahat ay nagwi-wish na natagpuan na sana ni Aiko kay Mayor Jay ang forever na matagal na niyang hinahanap. May mga nag-comment na na-touch sila sa ginawa ni Mayor Jay na kahit busy ay nag-spend ng time para i-cheer si Andre.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

May pakiusap naman si Aiko sa bashers, na idinaan niya sa pagpo-post ng quotation card na ang nakasaad: “Don’t Ruin Other People’s Happiness Just Because You Can’t Find Your Own”, at sinundan ng comment na “I am confidently Happy and guilt free of this Quote:).”

-NITZ MIRALLEST