Tatlong lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga ang inaresto sa anti-illegal drugs operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Sr. Supt. Brent Madjaco, hepe ng Navotas Police, ang mga inaresto na sina Rannie Boy Barrot, 35; Noel De Jose, 32; at Elmer Wilson, 31, ng North Bay Blvd. South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Ikinasa ng mga tauhan ng Navotas police ang operasyon sa Navotas Fish Port complex (NFPC), dakong 4:00 ng madaling araw.

Nagpanggap na buyer ng droga ang isa sa mga pulis at nang maisagawa ang transaksiyon ay agad dinampot ang mga suspek na nasamsaman ng tatlong pakete ng droga.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165.

-Orly L. Barcala