PARIS (AP) — Siesta na si Madison Keys sa locker room nang mapanood ang pahirapang panalo ng kaibigang si Sloane Stephens sa Roland Garros.

“Living and dying on every point in the end,” sambit ni Keys. “I saw her in the locker room, and I was like, ‘God, you made me nervous at the end.’ She was like, ‘You were nervous?’”

Matagal nang magkaibigan ang dalawang sumisikat na Americans. Magkasangga sila sa Fed Cup at Olympic teams. Magkasabay din silang nag-debut sa Grand Slam kung saan nagwagi si Stephens kay Keys sa nakalipas na US Open title. Ngayon, kapwa sila pasok sa French Open quarterfinalists matapos ang parehong straight set win sa Court Philippe Chatrier nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Ginapi ng 10th-seeded Stephens si No. 25 Anett Kontaveit ng Estonia, 6-2, 6-0,habang nanaig si No. 13 Keys kay No. 31 Mihaela Buzarnescu ng Romania 6-1, 6-4.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I always want to see Sloane do well,” sambit ni Keys.”I’d love for both of us to be able to be in the position to play each other multiple times. ... I’m always cheering for her.”

“I mean, she’s, like, really the only person I actually watch, because I will be texting her during the match: ‘Come on! What are you doing?’” aniya.