NA-TAG kami ng supporters nina Joshua Garcia at Julia Barretto kaugnay ng inilabas na trailer ng I Love You, Hater kaya napanood namin ito, at in fairness, maganda, huh!

893

Tuwang-tuwa ang supporters ng JoshLia sa karakter ng aktor nang nagpanggap siyang bakla para maging assistant ni Kris Aquino, na lady boss nila.

Hindi kasi matanggap ni Julia na ang inaasam niyang posisyon ay napunta kay Joshua, kaya kinuwestiyon niya ang pagkatao nito, at saka sinabi ng binata: “Sino ba nagsabing lalaki ako?”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang guwapo ni Joshua sa eksenang naka-suit pero flowery ang pangloob niyang polo at nahuli niyang nakatitig sa kanya si Julia habang nakanganga. Sinabihan niya si Julia na “isara ang bibig at bawal umibig”, na sinagot naman ng dalaga ng “no way!”. Kaya siya sinabihan ni Joshua ng “hater!”.

Ang galing nga ni Joshua dahil ang cute niyang gumanap na bading. Sabagay, halos lahat ng kakilala naming gay ay mga guwapo at cute.

Grabe ang JoshLia supporters dahil gustung-gusto na nilang hilahin ang July 11 play date, at talagang magpapa-block screening pa raw sila para sa pinakaaabangang movie ng dalawa.

Hmm, mukhang maraming block screenings na mangyayari sa I Love You, Hater, dahil tiyak na hindi rin magpapakabog si Kris na magkaroon ng private viewing para sa kanyang pamilya, at celebrity and non-showbiz friends.

Panay naman ang dasal nina Joshua at Julia na kumita ang I Love You, Hater, dahil may libre silang ticket papuntang New York City, USA courtesy of Kris.

“Eh, kasi bucket list daw nila to travel New York together, kaya sabi ko, ‘mag-pray hard kayo na kumita ang movie at sagot ko na ang fare ninyo to New York, pero sagot ninyo na ang hotel kaya umpisahan na ninyong mag-ipon’,” sabi ni Kris sa JoshLia.

-REGGEE BONOAN