Inaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police ang tatlong lalaki at isang babae nang mahulihan ng hinihinalang droga at drug paraphernalia sa anti-criminality operation sa lungsod, nitong Sabado ng hapon.

Nakakulong sa Taguig City police station ang mga suspek na sina Fahad Mantawil, alyas Peng, 19, ng Signal Village, Taguig City; Jimbo Silva, alyas Tulig, 23, ng G2 Village Eagle St., Pinagsama; Jacob Citusta, alyas Jake, 42, ng Waterfun, Pinagsama; at Sarah Jane Buquel, alyas Sarah, 42, ng Pinagsama ng nasabing lungsod.

Sa impormasyon ni Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 8, sa pangunguna ni Senior Insp. Raffy Esperazante, sa EP Housing Village, Phase 1, Bgy. Western Bicutan at naaresto ang mga suspek, bandang 5:00 ng hapon.

Nasamsam sa mga suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

S a s amp a h a n a n g mg a suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Taguig Prosecutor’s Office.

-Bella G. Gamotea