Ni Leandro Alborote

CAMILING, Tarlac – Kasalukuyang tinutugis ang isang lalaki na umano’y umabuso sa isang babaeng pipi at bingi sa Barangay Anoling 2nd, Camiling, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Alyn Pellogo, limang buwan inabuso ni Jhnonny Abogadje, alyas Epi, 33, tubong Purok 6, Bgy. Pinpinas, Santa Ignacia, Tarlac ang biktima, 21.

Napag-alaman na sa Bautista Village ng Bgy. Anoling 2nd, Camiling, Tarlac naninirahan ang suspek at ang biktima simula Enero 2018 hanggang sa kasalukuyan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa follow-up investigation ng Women and Children Protection Desk ng Camiling Police Station, bago isagawa ni Abogadje ang masamang balak sa biktima ay binibigyan niya ito ng alahas.