Cavs, bu-bwelta sa Game 2; Warriors, ‘di aasa sa suwerte

OAKLAND, California (AP) — Marami ang nagdududa sa kahihinatnan ng kampanya ng dehadong Cleveland Cavaliers batay na rin sa nakapagpababang morale ng kabiguan sa Game 1 ng NBA Finals laban sa defending champion Golden State Warriors.

“It’s one of the toughest losses I’ve had in my career,” pahayag ni LeBron James matapos ang team practice nitong Sabado (Linggo sa Manila). “Because of everything that kind of went on with the game and the way we played. Obviously, we all know what happened in the game.”

Hindi mabilang ang kapalpakan ng Cavaliers sa Game 1, tampok mang nakapanghihinayang na rebound ni J.R. Smith mula sa sablay na free throw ni George Gil sa huling apat na Segundo na kanyang idinirible palabas imbes na itira para sa posibleng game-winner.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ikinatwiran ni Smith na alam niya ang sitwasyon, ngunit marami ang nagdududa sa kanyang aksiyon. Kitang-kita ang panghihinayang sa mukha ni James nang maubos ang oras at naipuwresa ng Warriors ang overtime at ang panalo sa opening match ng best-of-seven title series.

“The game’s over. There’s nothing we can do about it,” pahayag ni Cavs coach Tyronn Lue. “We’ve got to move on, move forward.”

Ngunit, hindi pa huli ang lahay sa Cavs at sa pangunguna ni James marami pa ang posibleng maganap. Sa kabuuan ng playoff, halos magisang binuhat ni James ang koponan tungo sa Ikaapat na sunod na Finals at ikawalong sunod sa career ng four-time MVP.

Maging ang Warriors ay hindi dapat magkumpiyasan sa kasalukuyan sitwasyon sa pagpalo ng Game 2 ngayon sa Oracle Arena.

Aral na ang Warriors mula nangh matikman ang mapait na kabiguan sa 2016 Finals kung saan natalos ila ng Cavaliers sa Game 7 matapos hawakan ang 3-1 bentahe.

“I know it’s not the exact same team, but we had them down 3-1 a couple years ago. They might have been deflated, and they came back and won, so we’re expecting another great effort from them,” pahayag ni Dreymond Green.

“Sometimes you need a little luck. It’s good to be lucky sometimes,” aniya, “I’ll take it.”

Iginiit naman ni Kevin Durant na kailangang iwaksi ng Warriors ang ‘luck factor’ sa pagpapatuloy ng serye. Inamin niya pagkakamali nang madiskartehan siya ni Smith sa rebound.

“As you try to lock in on the details as much as possible, that luck factor — good luck, bad luck — you don’t have it creep in if you figure out the detail parts,” sambit ni Durant. “To be good at those parts of the game, then you don’t let the luck creep in.”

Nalusutan ang Golden State ng 19 offensive board, habang nakasingit lamang dils ng apat.

Batid ng Warriors ang kakayahan ni James at kailangan ang tibay sa depensa para malimitahan ang pagpuntos ni James – nakapagtala ng 19 for 32, walong assists at walong rebounds sa Game 1.

“We’ve got to make them work harder in general,” sambit ni Warriors coach Steve Kerr. “I thought our defense was subpar the other night.”

Inaasahan ang paglalaro ni Klay Thompson, sa kabila ng paglagay sa kanya sa ‘questionable’ bunsod ng sprained sa kaliwang paa, habang mananatili sa bench si Andre Iguodala na patuloy sa rehabilitation nang na-injured na kaliwan tuhod sa Game 3 ng Western Conference finals kontra Houston.

“It is a Finals game, and I’m going to do everything I possibly can to play,” sambit ni Thompson. “It’s something you definitely don’t want to have in the NBA championship.”