Pinangalanan ng Malacañang ang apat na bagong appointee ni Pangulong Duterte matapos ang sunud-sunod na pagsibak sa mga opisyal ng pamahalaan na umano’y sangkot sa kurapsiyon.

Kabilang sa mga ito sina Eduardo Chico Jr., na itinalaga bilang Bureau of Customs (BoC) director kapalit ni Prudencio Reyes, Jr.; at John Henry Naga, na itinalaga bilang undersecretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kinumpirma rin ng Malacañang na pirmado na ng Pangulo ang appointment papers nina Chico at Naga nitong Mayo 30.

Ipinuwesto rin ng Punong Ehekutibo si Ju-Haree Tolentino bilang Prosecutor III (Senior Assistant City Prosecutor) sa Office of the City Prosecutor sa Pasay City, kapalit ni Manuel Loteyro.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Itinalaga naman si Arsenia Naparate bilang Prosecutor I (Associate City Prosecutor) sa Office of the City Prosecutor sa Mandaue City, kahalili ni Mary Francis Daquipil.

Pinirmahan na ng pangulo ang appointment paper ng mga ito nitong Mayo 22.

-Argyll Cyrus B. Geducos