KAHIT pala buwag na ang love team nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, pinagseselosan pa rin ng GabRu fans ang ibang taong nali-link sa dalawa.

Kahlil copy

Nalaman tuloy namin na nali-link sa isa’t isa sina Ruru at Valeen Montenegro dahil sa GabRu fans na nang-aaway sa huli at pinalalayo kay Ruru. Grabe ang pagmumura ng isang GabRu fan kay Valeen dahil nag-comment sa post ni Ruru sa Instagram (IG).

Siguradong nabasa ni Valeen ang pagmumura sa kanya ng fan na palitan ang Tagalog at English. Kung anu-ano rin ang itinawag kay Valeen ng selosang fan at nagbanta pa na, “Hindi ko kayo titigilan at damay-damay lahat kapag hindi n’yo nilayuan si Ruru,” sey nito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kundi kami nagkakamali, ito rin ang fan na galit na galit din kay Khalil Ramos na nababalitang boyfriend ni Gabbi. Sinusugod din si Khalil ng GabRu fans sa social media account nito at katakut-takot na pagmumura at pagbabanta ang inaabot.

Lalo sigurong magwawala ang mga selosang fans nina Ruru at Gabbi sa tsikang narinig namin na magtatambal sa isang indie film sina Gabbi at Khalil. Hindi pa namin sure kung para sa 2018 Cinemalaya ang pagtatambalang pelikula nina Gabbi at Khalil, basta may project sila together.

Hindi rin naman pahuhuli si Ruru, may gagawin din itong pelikula pero hindi si Valeen ang kapareha, ibang aktres na bawal pang pangalanan. Pati ang film company na magpoprodyus ng pelikula ay hindi pa puwedeng banggitin.

Anyway, magkasama na dati sina Ruru at Valeen sa Sunday Pinasaya, pero sa Sherlock Jr. lang sila na-link at dito nagsimula ang pagseselos ng Gabru fans sa huli. Hindi ba nila alam na may matagal nang boyfriend si Valeen at nabanggit dati ni Jerald Napoles na madalas nanonood ng SPS at tiyak, magkakilala sila ni Ruru.

Tuloy-tuloy din ang pamba-bash kay Gabbi.

“Hindi lang kame iisa marame kame at kahit block mo kame gagawa’t gagawa kame ng account wahahahah hindi namen kayo titigilan kahit magpakaawa kappa di kame titigel hanggat hindi mo nilalayoan yang p***** inang @khalilramos mga dating gabrufans kame pero ngayon iba na kame nayon mga haters mo na ngayon ikaw at gagi khalik tandaan o to alam ko na may mga hateers din kayo sa twitter ninyo mga kasamahan namen yon marame kame AT PAG HINDI KAMA NAKATIES PATI PAMILYA NINYO IDADAMAY NAMEN IISA ISAHIN NAMEN UNG MGA PANGALAN TANDAAN MO YAN GAGA KA INAKSAYA MO UNG APAT NA TAON GAGO KA SABAY KAYONG UMANGAT GABBI,” post ng hater na sobra sigurong nasaktan nang mabuwag ang love team nina Gabbi at Ruru.

“Hala ka gurl,” na lang ang naisagot ni Gabbi sa mahabang litanya ng nagpakilalang GabRu fans.

Nakinig si Gabbi sa payo ng followers niya na huwag sagutin ang basher, hindi nga niya pinansin ang post ng galit na galit na GabRu fan.

Samantala, parang hindi na babalik sa Sunday Pinasaya si Gabbi o ayaw na siyang pabalikin. Ang dinig namin, may gagawin siyang bagong soap sa GMA-7, hindi si Ruru ang makakapareha.

–Nitz Miralles