NAGHIHINTAY sa Robinsons Supermarket ang masaya, makulay at iba’t ibang akrtibidad para sa mga batang estudyante sa inihandang Fit Kids: Back-to-School Promo.

Inilunsad ang programa sa isang campus-gym inspired event na ginanap sa Robinsons Place Novaliches sa Quezon City kamakailan.

Naging makabuluhan ang paghahanda ng mga kabataan sa pagbabalik-eskwela sa kanilang pakikiisa sa iba’t ibang physical at mental skills activities tulad ng larong dodgeball, Kinect Sports, arcade basketball, giant board game, at giant sungka na may kalakip na papremyo.

Nagsimula ang Robinsons Supermarket’s Fit Kids: Back-to-School Promo nitong Mayo 1 at matatapos sa Hunyo 30, 2018. Sa naturang programa, ang mga mamimili ay pagkakalooban ng P100 discount coupon sa bawat P3,000 worth ng grocery items nakanilang mabibili, kasama na ang P350 halaga ng mga produkto ng Nestle, Wyeth Nutrition, Mead Johnson Nutrition, CDO Foodshpere, Inc., at Purefoods-Hormel.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang fit Kids: Back-to-School Promo ay naglalayon din na tulungan ang mga estudyante sa kanilang paghahanda sa pagbabalik eskwela. Gayundin, sa bawat P350 halaga ng mga nabangit na produkto, bibigyan sila ng e-voucher kung saan magagamit nila para maiboto ang eskwelahan na nais nila na makatanggap ng premyo sa pagtatapos ng promo.

Bawat e-voucher ay may katumbas na isang boto at ang eskwelahan na may pinakamataas na matatangap na boto ay pagkakalooban ng premyo na kanilang mapipili tulad ng drum & lyre showcase, musical instruments, basketball at volleyball equipment, computer showcase, school armchairs, kitchen showcase, at sports clinic. Puwede ring isagawa ang pagboto sa Robinsons Supermarket’s official website.

Ang mga partner schools ay ang Alabang Elementary School, Balingasa Elementary School, Dela Paz Elementary School, Manggahan Highschool, Manuel A. Roxas Highschool at St. James Academy.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.robinsons-supermarket.com.ph o ang Facebook page www.facebook.com/RobinsonsSupermarketOfficial.