EXCITED na si Aga Muhlach sa pelikulang pagbibidahan nila ni Bea Alonzo dahil ito ang unang pagtatambal nila at aminado ang aktor na gusto niya talagang makatrabaho ang aktres noon pa.

Bea copy

Kung hindi na mababago ang schedule ay sa susunod na linggo na ang alis nila patungong Vancouver, Canada, sabi ni Aga sa amin para sa shooting nila.

Sanib-puwersa ang Star Cinema at Viva Films sa pag-produce ng Aga-Bea movie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi kami sinagot ng tinanong namin sa Star Cinema kung kasosyo ang Ten17 Productions ni Direk Paul Soriano na siyang direktor.

Tinanong namin si Aga kung ano ang character nila ni Bea at kung ano ang working title ng pelikula nila pero hindi niya kami sinagot.

-REGGEE BONOAN