KARANIWAN na ang Skateboard ay isang larong kalye lamang na nilalaro ng mga kabataang kadalasang makikita sa gilid ng kalsada, ngunit pinatunayan ng kaisa isang Filipina Skateboard athlete na si Margielyn Didal ng Cebu City na hindi lamang ito isang larong kalye, kundi isang laro na makakapagbigay ng karangalan sa bansa sa international competition.

Pumuwesto ng ikawalo sa overall world ranking ang 19-anyos na si Didal matapos nitong makipagsabayan sa mga skateboard athletes sa katatapos na Street League Skateboarding Series Pro Open na ginanap sa London, England kamakailan.

Ito ang unang pagkakataon na lumahok ang isang Pinay sa skateboard competition kung saan nakapuwesto ito ng 4th sa preliminaries upang makakuha ng tiket patungong final round sa kanyang impresibong 9.6 puntos.

“Medyo kinabahan po kasi magagaling po ang mga kalaban ko, pero mabuti na lang po at nakalusot,” kuwento ni Didal. “Natutuwa po ako kasi first time po mangyari sa akin ito unti unti po ay natutulungan ko mga ang mga magulang ko po,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabuuang 11 skateboard athletes ang pumuwesto sa nasabing labanan, at mapalad na nakapasok sa ikawalong puwesto si Didal.

Ang nasabing kompetisyon ay magiging bahagi na rin ng nalalapit na pagsasagawa ng Aisan Games sa Palenbang, Indonesia, kung magsisilbing bahagi ng tune up game ni Didal ang naturang labanan.

Kasalukuyang nagsasanay ang nasabing skateboard athletes na si Didal kasama ang dalawa pang atleta na sin MacFeliciano at Jeff Gonzales sa London bilang paghahanda sa quadrennial meet.

Si Didal ay isa rin sa mga atletang pinalad na mahanapan ng sponsor ng Philippine Sports Commission sa pamamagitan ng Siklab Foundation upang tustusan ang kanyang mga gastusin sa pagsabak sa mga international competition.

-Annie Abad