Suportado ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang panukalang taasan ang campaign spending limits sa eleksiyon.

Ayon kay PPCRV Chairman Rene Sarmiento, matagal na dapat nirebisa at binago ang campaign spending limits.

“The bill is very long overdue. Wise and practical that the amount to be spent by every candidates be increased,” ani Sarmiento.

Hindi naman nagmungkahi ng spending limit si Sarmiento bagamat sinabing ang pagtataas ay dapat na angkop at makakaagapay sa nagtataasang presyo ng mga bilihin ngayon, gayundin sa pagdami ng botante.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Mayo 22 nang inaprubahan ng Kamara ang panukala na naglalayong amyendahan ang RA No. 7166 of 1991 at taasan ang expenditure provision sa election campaigns.

-Mary Ann Santiago