Nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas sa Belgium matapos ang terror attack na ikinasawi ng tatlong katao nitong Martes.

“We condole with the Government of Belgium and the Belgian people and stand in solidarity with them,” ipinahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter S. Cayetano.

Ayon Embahada ng Pilipinas sa Brussels, walang Pilipino na nadamay sa pag-atake sa lungsod ng Liège, may 100 kilometro ang layo mula sa timog Sa ulat report ni Ambassador Eduardo Jose de Vega, dalawang pulis at isang lalaking sibilyan ang nasawi sa pag-atake ng suspek na armado ng patalim, nang-agaw ng baril at nang-hostage sa isang ekuwelahan bago namatay ng mga pulis.

Batay sa datos ng DFA, mayroong 8,000 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Belgium, at 100 ang nakabase sa Liege.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

-Bella Gamotea