This is not a drill. Simulan na ng fans ang pag-iipon dahil magtatanghal si Dua Lipa ng kanyang unang Manila concert!

Dua Lipa copy

Nakatakdang magtanghal ang British singer/songwriter sa Setyembre 14, 2018 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, pahayag ng MMI Live sa social media, kahapon ng umaga.Ang tickets ay P1,750 (general ad), at sisimulan ang pagbebenta sa Hunyo 18.

Narito ang kumpletong ticket price:

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Platinum: P8,500

Patron: P7,500

Lower Box A: P4,800

Lower Box B: P3,800

Upper Box: P2,650

GA: P1,750

Bukod sa pagiging singer/songwriter, model din si Dua Lipa, 22-year-old na Albanian-English. Pinasikat niya ang mga awiting One Kiss, New Rules, at IDGAF, at iba pa.

Ang kanyang self-titled debut album ay inilabas isang taon na ang nakalilipas, pero ilang parangal na agad ang kanyang natanggap, kabilang ang dalawang Brit Awards.