Palutang-lutang sa Laguna de Bay sa Taguig City ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae sa Taguig City, nitong Martes ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 18-20, may taas na 5’0”- 5’2”, nakasuot ng T-shirt, puting shorts, may tattoo na “Khaldita” sa kaliwang hita at silver na kuwintas, at anklet.

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), natagpuan ng isang residente ang bangkay sa Laguna De Bay, C-6 Road, Barangay Lower Bicutan, bandang 10:30 ng umaga.

Ini-report nito sa mga tauhan ng Taguig Bantay Lawa ang insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng SPD, natuklasang maraming sugat sa ulo ang biktima.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon at follow-up operations ang Taguig City Police.

Bella Gamotea