Bulagta ang dalawa umanong tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa awtoridad sa drug operation sa Barangay Kristong Hari, Quezon City kahapon, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Ang dalawang suspek ay kinilala alyas na “Lito” at “Bong”.

Ayon sa QCPD, nahuli nila sa akto ang dalawang suspek nang bentahan umano ng mga ito ng ilegal na droga ang isang police poseur-buyer sa Hemady Street, Barangay Kristong Hari, bandang 6:40 ng umaga.

Nang malaman na mga pulis ang kanilang katransaksiyon, kumaripas ang mga suspek at nang makorner, nanlaban umano ang mga ito na sanhi ng kanilang pagbulagta.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasamsam sa pinangyarihan ang isang kalibre .38 at isang 9mm pistol.

-Jun Fabon