ZAMBOANGA CITY - Dalawang high-valued drug personality ang nadakma ng pulisya sa buy-bust operation na ikinasa ng mga awtoridad sa Zamboanga City, nitong Martes ng gabi.

Inihayag ni Police Regional Office (PRO)-9 director Chief Supt. Billy Beltran na nasabat mula kina Hadji Sitti Bairulla Jalaidi, 60, biyudo, ng Barangay Talon-Talon; at Norma Ambani Awod, 63, may asawa, ng Cawit, Zamboanga City ang nasa isang kilong shabu at apat pang medium sachet ng droga.

Ayon kay Beltran, ganap na 7:00 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) ang Veterans Avenue, Bgy. Zone 3, Zamboanga City, at madakip sina Jalaidi at Awod.

Sinabi pa ni Chief Supt. Beltran na kabilang si Jalaidi sa listahan ng pulisya ng mga lider ng isang local drug group na Karanain-Hadji Sitti, habang isang high-value target naman si Awod.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakarekober din ng mga awtoridad sa insidente ang isang Samsung analogue type cellular phone, silver gray na Toyota Innova, at P6,000 marked money.

Nakadetine ang mga suspek sa ZCPO.

-Nonoy E. Lacson