Patay ang umano’y asset ng mga pulis matapos barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Morris Dela Cruz, 31, ng Azicate Homes, Independence Street, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Siya ay tinamaan ng bala ng cal. 9mm pistol sa ulo at dibdib.

Base sa ulat, nakatayo at nakikipagkuwentuhan si Dela Cruz sa mga residente sa San Gregorio St., Bgy. Gen. T. De Leon, dakong 8:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Biglang sumulpot ang dalawang lalaki at malapitang binaril sa ulo at dibdib si Dela Cruz at tuluyang bumulagta.

Sakay sa balsa, tumakas ang mga suspek patungong Bgy. 160, Libis, Baesa, Caloocan City.

Paghihiganti ang sinisilip na motibo sa pagpatay kay Dela Cruz dahil siya ang pinaghihinalaang nagpahuli sa mga drug personalities sa lugar noong nakaraang taon.

-Orly L. Barcala