Isang lalaki na umano’y miyembro ng ‘Bahala Na’ gang ang natagpuang patay at palutang-lutang sa Ilog Pasig sa Sta. Cruz, Maynila kahapon.

Hinihinalang nalunod ang biktima na inilarawang nasa edad 35-40, nakasuot ng brief, may tattoo ng “Bahala Na Gang” sa likod at “resbak” sa kanang braso, may suot na silver na hikaw sa magkabilang tenga, silver na singsing at bracelet.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nadiskubre ng mga concerned citizen ang bangkay ng biktima sa ilog sa ilalim ng Ayala Bridge, sa Sta. Cruz, bandang 6:10 ng umaga.

Walang nakitang sugat sa bangkay, maliban sa galos sa dibdib.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Mary Ann Santiago