SISIYASATIN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga napiling benepisyaryo ng Pantawid Pampamilyang Pilipino Program (4Ps), isang programa ng gobyerno na layuning mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga maralitang pamilya.

“We will check if they are really deserving to benefit from the program of the government (under 4Ps),” pahayag kamakailan ni DILG Undersecretary Martin Diño sa isang press briefing sa Caloocan City.

Nabanggit ni Diño na may ilang espekulasyon na ang ilan umano sa mga benepisyaryo ng 4Ps ay nakapasok lamang sa programa dahil sa impluwensiya ng ilang kapitan ng barangay.

Ayon kay Diño, nakarinig siya ng ilang kuwento ng mga kapitan ng barangay na nagsesertipika sa kanilang mga kamag-anak bilang mahirap, upang maging kuwalipikado sa ibinibigay na salapi sa ilalim ng programa.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“If we find out that they were certified as poor by the Barangay Captain but they are not really poor, we will penalize the Barangay Captain,” sabi ni Diño, idinagdag na sisiguraduhin ng DILG na hindi inaabuso ng mga opisyal ng barangay ang kanilang katungkulan sa pagbibigay ng pabor sa kanilang mga kamag-anak.

Sinabi ni Atty. Noel Felongco, pinuno ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), na kailangang muling suriin ang konsepto ng 4Ps.

“We have to re-evaluate if it’s a dole-out. It seems that there is a big problem if it is a dole-out,” giit ni Felongco.

Nabanggit pa niya ang isang kasabihan na “instead of giving ‘fish’ to the poor, they should be taught to catch fish instead.”

“There have already been proposals to re-evaluate or rethink the 4Ps,” sabi pa ni Felongco.

Ang 4Ps ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nakatuon sa kalusugan at edukasyon ng mahihirap, lalo na ng mga bata. Ito ang isa sa mahahalagang programa na inumpisahan ng nakalipas na administrasyon.

Sa ilalim ng programa, tatanggap ang mga benepisyaryo ng tulong-pinansiyal kada buwan sa kondisyon papasok sa eskuwelahan ang kanilang mga anak, may regular na check-up sa mga health center, at dadalo sa mga family development session.

Sa kasalukuyan, bukod sa regular na cash grants, nakatatanggap din ang mga benepisyaryo ng rice subsidy, sa pamamagitan ng salapi, kada buwan.

PNA