IPINAHAYAG ng National Basketball Association (NBA) ang pagdating sa bansa ni three-time NBA Champion Bruce Bowen upang makiisa sa Filipino basketball fans sa NBA Finals.

Nakatakdang dumating si Bowen sa dalawang NBA Finals viewing parties na itinataguyod ng NBA broadcast partner Solar at ang pakikiisa sa NBA Cares community outreach efforts.

“I look forward to visiting the Philippines to enjoy the NBA Finals alongside Filipino fans,” pahayag ni Bowen. “I’ve heard so much about the Philippines and their basketball fandom, and I can’t wait to experience it for myself.”

Dadalo si Bowen sa viewing parties para sa Games 1 at 2 sa Hunyo 1 at 4 sa Eastwood City Mall Activity Center at Buffalo Wild Wings sa Glorietta 2, ayon sa pagkakasunod.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makikiisa rin si Bowen sa #NBAStreamSquad, isang digital show featuring local influencers para sa preview ng NBA Finals.

Sa NBA Cares, pangungunahan ni Bowen ang basketball clinic para sa 40 kabataang lalaki at babae sa Polytechnic University of the Philippines College of Engineering sa Hunyo 2.

Ang 6’7” forward mula sa California ay isang undrafted free agent ng Miami Heat noong 1997. Nakuha siya ng Sam Antonio Spurs at bahagi sa tatlong kampeonato ng koponan. Napili siya bilang NBA All-Defensive First Team mula 2004-2008 at Second Team mula 2001-2003.

Ang 2018 NBA Finals ay mapapanood ng live simula sa Hunyo 1 sa ABS-CBN, S + A, Basketball TV at NBA Premium TV, at NBA League Pass.