Nagpatupad ng provisional service o limitasyon sa biyahe ang Metro Rail Transit (MRT)-3 makaraang magkaaberya ang isa nitong tren patungong norte, sa area ng Makati City.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), dakong 7:00 ng umaga nang magkaaberya ang mga pinto ng tren, sa pagitan ng Magallanes at Ayala stations.

Dahil dito ay napilitang magpatupad ng provisional service ang MRT-3 dakong 7:25 ng umaga, mula sa North Avenue hanggang Shaw Boulevard.

Ilang minuto lamang tumagal ang limitadong biyahe at kaagad ding naibalik sa normal pagsapit ng 7:39 ng umaga.

Dinala naman kaagad ang nasiraang tren sa train depot para kumpunihin, habang pinalipat naman sa kasunod na tren ang mga pasaherong lulan nito.

Politics

'Politika there, politika here, politika everywhere! Only in the Philippines!—Sen. Robin Padilla

-Mary Ann Santiago