MATAPOS maglabasan ang mga balitang umalis na ang University of Santo Tomas standout na si Jordan Sta. Ana sa koponan ng Tigers, isa sa mga taong unang kumausap sa kanya ay ang dati nyang high school coach sa Nazarath School of National University, na ngayo’y headcoach na ng Letran sa NCAA na si Jeff Napa.

Inamin ni Sta. Ana na nang mga pagkakataong yun ay wala pa syang desisyon hinggil sa mangyayari sa kanyang career ngunit sa huli ay hindi nya nagawang tanggihan ang hiling ng dating mentor na magkasama silang muli.

“Nasa akin na siya. Sta. Ana has committed to play with Letran,” pahayag ni Napa matapos ang laban ng Knights kontra Jose Rizal University noong Biyernes ng hapon sa Filoil Flying V Pre Season Cup.

Ngunit dahil sa residency rule, sa ikalawang pagkakataon ay kinakailangang mag sitout ng isang taon ni Sta. Ana para sa residency rule.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inaasahang makakalaro sya para sa Knights sa NCAA Season 95 kasabay ng pagtatapos ng eliginility nina Bong Quinto at Bonbon Batiller .

“Tatlong taon kong hinawakan si Jordan,” dagdag ni Napa. “Maraming magragraduate sa amin. In preparationg na rin ito sa future ng Letran program.At least consistent kami sa vision namin na mabalik yung previous accomplishments ng Letran.”

Pagka graduate ng high school sa NU, lumipat at unang naglaro si Sta. Ana sa University of the East noong Season 77 (2015) bago sya nag sitout noong Season 78 (2016)) dahil sa paglipat nya sa UST kung saan sya naglaro noong nakaraang season at nagposte ng average na 11.1 puntos, 4.3 assists, at 2.4 rebounds. (Marivic Awitan)