OAKLAND, California (AP) — Naisalba ng Golden State Warriors, sa pangunguna ni Klay Thompson na mistulang ‘scoring machine’ sa second half, ang banta ng kabiguan para gapiin ang Houston Rockets, 115-88, at maipuwersa ang best-of-seven Western Conference Finals sa 3-3.
“I was not always like this. I used to be so hard on myself, especially early in my career,” pahayag ni Thompson. “I learned, as I get older, if you play with passion, you play hard, and you leave the game saying I gave everything I have tonight in those 48 minutes, you can live with the result.”
Nabigyan ng bagong buhay ang kampanya ng Warriors na maidepensa ang korona nang mag-init ang shooting ni Thompson tungo sa natipang 35 puntos, tampok ang siyam na three-pointer sa Game 6 nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Ngayon, isang panalo na lamang ang pagitan ng Warriors sa minimithing ikaapat na sunod na NBA Finals. Gaganapin ang Game 7 sa Houston sa Lunes (Martes sa Manila).
Taliwas sa nakasanayang katauhan ni Thompson, naging emosyonal ang streak-shooting sa bawat sitwasyon. Mistula siyang si Draymond Green na ibinibida ang biceps, sumusuntok sa hangin na tulad ni Kevin Duranet at humihiyaw na parang si Stephen Curry sa bawat puntos na kinagiliwan ng sell-out crowd sa Oracle Arena.
“I think Klay doesn’t worry too much about repercussions. He doesn’t worry about judgment and results. I think he just loves to play,” pahayag ni coach Steve Kerr.
“He’s so comfortable in his own skin. I just think he wants to go out there and hoop, and he doesn’t worry about much else. So the pressure doesn’t seem to bother him much. He just competes and plays. As I said, the two-way ability of this guy hounding the MVP of the league, most likely, all game, and continuing to rain down 3-pointers, he’s amazing.”