SEOUL (AFP) – Naniniwala si Kim Jong Un na ang summit ni US President Donald Trump ay magiging makasaysayang oportunidad para mawakasan ang ilang dekada nang komprontasyon, sinabi ni South Korean President Moon Jae-in kahapon matapos ang sorpresang pagpupulong nila ng North Korean leader.

‘’He (Kim) also expressed his intention to put an end to the history of war and confrontation through the success of the North-US summit and to cooperate for peace and prosperity,’’ lahad ni Moon sa mga mamamahayag, idinagdag na nagkasundo sila ni Kim na magpulong o mag-usap ‘’if necessary’’.

Sorpresang nagpulong sina Moon at Kim sa Demilitarised Zone na naghihiwalay sa dalawang nasyon nitong Sabado para sagipin ang nakatakdang June 12 summit ng North Korea at United States sa Singapore.

Sa dalawang oras nilang pagpupulong ni Kim, sinabi ni Moon na hinikayat niya kapwa ang Washington at Pyongyang ‘’to remove misunderstandings through direct communication and to have sufficient dialogue in advance through working-level negotiations on the agendas to be agreed upon at the summit’’.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’Chairman Kim agreed on that,’’ dagdag niya.