Nanawagan si Senador Bam Aquino sa pamahalaan na i-roll back ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng tax reform program upang maaalis ang pasanin ng matas na presyo sa taumbayan.

Ito ang panawagan ni Aquino matapos ideklara ng Department of Energy (DoE) na pinapayagan ng TRAIN Law ang agarang suspensiyon sa excise taxes sa produktong petrolyo.

Sa kanyang Senate Bill No. 1798, iro-rollback ang excise tax sa langis kapag umabot ang average inflation rate sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.

-Leonel M. Abasola
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter