HINDI maitatatwang napapansin at kinikilala ang talento ng kabataang basketbolista sa international scene.

Patunay dito ang natanggap na imbitasyon ng tatlong kabataang manlalaro upang dumalo at maging bahagi ng Basketball Without Borders (BWB) Asia Camp.

Ang Basketball Without Borders ay ang pinagsanib na NBA at FIBA’s global basketball development at community outreach program na nagsimula noong 2001.

Gaganapin ang BWB Asia 2018 sa Mayo 30-Hunyo 2 sa NBA Academy India sa New Delhi. Doon ay gagabayan at tuturuan ang mga napiling top high school cagers mula sa buong Asia-Pacific region, nina Corey Brewer (Oklahoma City Thunder; U.S.), Caris LeVert (Brooklyn Nets; U.S.), Kelly Olynyk (Miami Heat; Canada; BWB Americas 2009), Dwight Powell (Dallas Mavericks; Canada), two-time WNBA Champion Ruth Riley; at dating WNBA player Ebony Hoffman. Kabilang sa mga inimbita upang lumahok sa BWB Asia Camp ang Batang Gilas members na sina Rence Padrigao at Raven Cortez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang ikatlong inimbita ay si Reuben Amado, na miyembro ng Singapore SEABA Under 16 Championship team. Kasama rin sa BWB Asia Camp coaches ang dating TNT import na si Darvin Ham, na kasalukuyang miyembro ng Atlanta Hawks’ coaching staff. Inaasahang malaki ang maitutulong ng BWB camp sa kabataang Pinoy na nabanggit para sa kanilang basketball career.

-Marivic Awitan