HOUSTON (AP) — Nakabaon sa hukay ang isang paa ng Golden State Warriors, ngunit walang pangamba na mababakas sa mukha ng defending champion.

“We have a chance to tie the series at home. That’s a pretty good position to be in,” pahayag ni coach Steve Kerr.

“We’ve got to win two basketball games and we’ve done that an awful lot, so we’re very confident.”

Naghahabol ang defending champions sa Houston, 3-2, sa best-of-seven series matapos ang manipis na 98-94 panalo ng Rockets sa Game 5. Balik ang aksiyon sa Oracle Arena kung saan isang beses sa nakalipas na 17 laro sa playoff natatalo ang Warriors.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kumpiyansa si Stephen Curry sa kabila ng katayuan ng Warriors. May dahilan ang two-time MVP.

Sasabak ang Rockets sa Game 6 na wala ang leading star na si Chris Paul na nagtamo ng hamstring injury sa krusyal na sandali ng final period sa Game 5.

Sa Golden States, inaasahan naman ang pagbabalik ni Andre Iguodala, na-sideline sa huling dalawang laro bunsod ng pamamaga ng kaliwang tuhod.

“We have an opportunity to re-establish ourselves at home, get a big win, keep ourselves alive, and then roll the dice into Game Seven,” pahayag ni Curry.

Sa kabila ng pagkalawa ni CP3, kumpiyansa si Rockets coach D’Antoni.

“I don’t have a doubt,” sambit ni D’Antoni. “They see the challenge ... whether CP’s there or not, it’s a heck of a challenge, and they’re up to it. They’re looking forward to it.”