CALAMBA CITY, Laguna – Bulagta ang magkapatid makaraang makipagbarilan sa awtoridad na nagsagawa ng buy-bust operation dito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Edwin at Efren Manaig, kapwa ng Sitio Binohan, Barangay Real.

Ikinasa ng Drug Enforcement Unit ng Calamba city police, sa pangunguna ni Chief Insp. Richard Corpuz, hepe ng intelligence unit, ang operasyon sa lugar ng magkapatid.

Sa halip na sumuko matapos makabili sa kanila ng umano’y shabu, bumunot ng baril at pinaputukan umano ng magkapatid ang awtoridad at nagkabarilan hanggang sa tumimbuwang ang mga suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober kay Edwin ang isang kalibre .38 revolver at pitong pakete ng umano’y shabu; habang kay Efren ay isang kalibre .22 revolver at dalawang pakete ng umano’y shabu.

-Danny J. Estacio