Sakaling mabigo ang panukalang peace talks sa mga komunistang rebelde, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hihilingin niya kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na huwag nang bumalik sa bansa o mahaharap sa kamatayan.

Sinabi ng Pangulo na inimbitahan niya si Sison na magbalik sa bansa at binigyan ito ng 60-araw para sa “make or break” peace negotiations. Gayunman nagbanta si Duterte na papatayin si Sison kapag muling gumuho ang usapang pangkapayapaan.

“‘Pag walang nangyari sa two months, I will allow him to go out. I will not arrest him because word of honor ‘yan. But sabihin ko talaga sa kanya, ‘p***** i** mo ‘wag ka nang bumalik dito. Papatayin talaga kita,’” aniya sa inugurasyon ng isang tulay sa Davao City nitong Huwebes.

“Pag walang mangyari, sabihin ko talaga sa kanya, ‘Do not ever, ever return again to this country. I will kill you. You’ve killed so much of my soldiers and policemen,” dugtong ng Pangulo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binanggit ni Duterte na tinanggap ni Sison, ipinatapon sa Netherlands, ang kanyang imbitasyon na umuwi para sa peace talks. “I have invited Sison to come home. He has agreed. I gave him a window of two months, very small. Make or break tayo dito,” aniya.

-Genalyn D. Kabiling