ILANG araw pa lang sa Pilipinas si Aga Muhlach gal ing s a shooting ng pelikula nila ni Alice Dixson sa Nuuk, Greenland na produced ng Viva Films sa direksiyon ni Roni Velasco pero paalis uli siya patungo namang Vancouver, Canada
Ang post ni Aga sa Instagram nitong Huwe b e s ng g a b i , “#itshappening#excitingtimes #vancouver #starcinema #vivafilms See you all soon!”
Nag-storycon na siya para sa pelikulang gagawin nila ni Bea Alonzo co-produce naman ng Star Cinema at Viva Films sa direksiyon ni Paul Soriano.
Hmmm, curious kami kung bakit hindi co-producer ang Ten17 Productions na pag-aari ni Direk Paul dahil sa pagkakaalam namin kapag siya ang direktor ay automatic na isa siya sa producers.
Hindi kasi nabanggit nabanggi ni Aga sa post ang Ten17Productions.
Samantala, nauuso nang sa ibang bansa nagsu-shoot ng mga pelikula dahil base raw sa survey ay ito gusto ng moviegoers. Dahil habang pinapanood nila ang pelikula, para na rin silang nakarating sa ibang bansa, bago sa paningin ang mga tanawin.
Kaya lang, hindi naman lahat ng pelikulang kinunan sa ibang bansa ay kumikita kaya malaking sugal pa rin sa producers ang pagpoprodyus.
Naalala tuloy namin ang pelikulang napanood namin kamakailan na ang gaganda sana ng ipinakitang tourist spots pero nakakahinayang na hindi gaanong maganda ang kuwento at hindi rin sikat ang mga bida. Kaya ang ending, nag-suffer ito sa takilya.
Iba pa rin kasi kapag kilala ang mga bidang artista dahil may followings o kaya’y magagaling umarte at higit sa lahat, kung mahusay ang direktor.
Naging inspirasyon ng lahat ang indie movie na Kita Kita na hindi man kalakihan ang mga artista at baguhan ang direktor ay gumawa ng record sa box-office.
Going back to Aga, ngayon lang sila magtatambal ni Bea na umaming gustung-gusto siyang makasama at lahat ng pelikula niya pinapanood nito.
Magkapareho naman sila, dahil gusto ring makasama ni Aga si Bea at nagagalingan siya rito.
Ang taray ng Viva Films, puro out of the country ang mga pelikula tulad nitong Sid & Aya na sa Japan naman kinunan at mapapanood na sa Mayo 30.
Isusunod naman ang Aga-Alice na sa mamahaling bansa rin kinunan bagamat wala pang playdate.
–Reggee Bonoan