Nagmartsa ang 37 student-inmates ng University of Perpetual Help-Bilibid Extension School sa Medium Security Compound, Camp Sampaguita sa idinaos na 29th graduation exercises sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon.

Tinanggap ng student-inmates, piniling gugulin ang kanilang panahon at sentensiya sa pag-aaral sa loob ng pambansang piitan, ang kanilang mga diploma.

Si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Bureau of Corrections (BuCor) Director Ronald “Bato” Dela Rosa, ang nagbibigay ng commencement address sa 18 student-inmates na nakumpleto ang Bachelor of Science in Entrepreneurship, at 19 na nagtapos naman ng Computer Hardware Servicing Course.

-Bella Gamotea
Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser