Nilimas ng apat na holdaper ang mga gamit ng tatlong estudyante matapos looban ang isang kainan sa Malate, Maynila, kamakailan.

Nakilala ng Manila Police District (MPD), ang mga biktima na sina Benedict Solis Jacinto, 24, Kirk Dominic Bautista, 20 at Trisha Sto. Domingo, 20.

Naiulat na kumakain ang mga biktima sa nabanggit na lugar nang pasukin sila ng apat na lalaking armado ng baril.

Kaagad umanong nagdeklara ng panghoholdap ang mga suspek at tinutukan ng baril ang tatlong biktima at tinangay sa kanila ang mga mamahaling gadget, pera at iba pang kagamitan, dakong 8:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ni Insp. Fernildo de Castro ng MPD, pinadapa umano ng mga armado ang mga biktima.

Kabilang sa natangay sa mga ito ang isang cell phone na nagkakahalaga ng P25,000, isang relo (P1,000), isang laptop, at cash na aabot sa P7,700.

Tumakas kaagad ang apat na armado sakay ng dalawang motorsiklo.

Inaalam pa ng puli sya ang pagkakakilanlan ng mga holdaper.

-Hans Amancio